Mas pipiliin kong mag-alaga ng hayop kesa tao. Sobrang komplikado mag alaga ng tao. Meron kasing pag-iisip. Minsan nakakainis, minsan okay lang naman. Madalan na nakakatuwa. May mga tao kasing lumaki na walang pakealam sa kapwa nila tao. Minsan mahirap turuan nang tama. Minsan ang hirap iparealize kung ano ba ang dapat o hindi dapat. Nakakainis minsan na ang tao pa mismo ang nanlalamang o gustong ibaba ang kanyang kapwa. Anong klaseng tao na ba tayo?
Dati sobrang simple ng buhay. Tila manual lahat. Ang pakikitungo sa kapwa, kailangan harapan. Hindi pwede yung pinaparaan sa internet internet lang. Pag may problema ka, puntahan mo yung tao. Kung may kailangan ka, puntahan mo pa rin. Pag may sasabihin ka, guess what-pupuntahan mo pa rin. Sa panahon ngayon, naglalaho na ang linya sa gitna ng manual at automatic. Tingin natin, madaling umiwas sa mga tao sa isang iglap lang na umalis tayo sa harap ng computer at i-off ang internet connection sa cellphone. Ilang pindot lang, parang di ka na nag-eexist sa mundo. Buhay ka lang kung nasaan ka. Ang saya, diba?
Ang problema lang sa ganoon, andami mong hindi nalalaman. Ilang taon lang nakalipas na pahirapan ang internet, mahirap din ang balita. Mabagal kumalat noon ang balita. Maniwala ka lang sa mga naririnig o nakikita mo nang malapitan. Yung mga di mo kilalang tao, di mo na paniniwalaan. Sa ngayon kasi, ang bilis ng lahat. Kumalat lang sa isang lugar, kahit na napakalayo pa niyan, darating sayo kahit wala kang kinalaman dun sa balitang yon. Nakakatuwa pero nakakastress din minsan. Dagdag isipin pa, kumbaga. Ilang balita ang dadating sayo araw araw, nakakapagod. Nakakalula. Nakakalunod.
Minsan parang ang sarap maging hayop. Bahala ka sa buhay mo, e. Kung gutom ka kumain ka. Kung antok ka na, matulog ka. Natatae ka, edi tumae ka. Wala lang. Parang alam nilang mabuhay na ganun lang ang buhay nila. Wala masyado iniisip. Maliliit na problema. Pahirap lang ang mga taong may galit mismo sa mga hayop. Di ba nila alam na hayop rin sila? Bakit kailangang nanlalamang at nagpapakataas taas netong mga hayop na to. Tangina diba. Sa lahat ng maipagmamalaki mo, yung pagpapahirap mo pa sa iba? Nakakatuwa ba yon? Marahas ang mundong to. Marami nang nabubuhay na nangangawawa lang naman. Bakit tayo magsasaya kung andaming nahihirapan?
Nakakasakit ng puso ang mundong to. Ang sarap sarap bumalik kahit limang taon man lang o pwede na ring sampu. Tapos susulitin ko lahat. Kakagatin ko lahat ng makakagat. Papatulan lahat ng mapapatulan. Sayang eh. Kung alam ko lang.

Comments
Post a Comment