Mas pipiliin kong mag-alaga ng hayop kesa tao. Sobrang komplikado mag alaga ng tao. Meron kasing pag-iisip. Minsan nakakainis, minsan okay lang naman. Madalan na nakakatuwa. May mga tao kasing lumaki na walang pakealam sa kapwa nila tao. Minsan mahirap turuan nang tama. Minsan ang hirap iparealize kung ano ba ang dapat o hindi dapat. Nakakainis minsan na ang tao pa mismo ang nanlalamang o gustong ibaba ang kanyang kapwa. Anong klaseng tao na ba tayo? Dati sobrang simple ng buhay. Tila manual lahat. Ang pakikitungo sa kapwa, kailangan harapan. Hindi pwede yung pinaparaan sa internet internet lang. Pag may problema ka, puntahan mo yung tao. Kung may kailangan ka, puntahan mo pa rin. Pag may sasabihin ka, guess what-pupuntahan mo pa rin. Sa panahon ngayon, naglalaho na ang linya sa gitna ng manual at automatic. Tingin natin, madaling umiwas sa mga tao sa isang iglap lang na umalis tayo sa harap ng computer at i-off ang internet connection sa cellphone. Ilang pindot lang, parang di ka na...
Balik sa dating gawi. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit at paano ako natigil. Nakakabaliw din yon. Ang daming dumaan at nakakapagod ang pinagdaanan. Nagsimula ako noon nang mag-isa at ngayon ay bumalik ding mag-isa. Ganun man, hindi ako naging mag-isa habang dinaranas yon. Ang daming taong dumating at umalis. Hindi ako nagsisisi dahil marami akong natutunan. Parang iba't-ibang mundo ang narating ko noong mga panahong iyon. Nakakatuwa pero ang alam ko, mas nangingibabaw ang lungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwedeng patuloy tuloy ang mga bagay-bagay. May mga natitigil at may mga nawawala nalang bigla. Okay lang naman at hindi nakakapanisi. Nakakalula lang ang lahat at humantong ako sa ganito. Parang bumaliktad ang mundo ko nang paulit-ulit. Umakyat nang mataas sabay bumaba nang napaka baba. Hindi ko alam kung lahat ng tao dumaranas sa ganito at kung paano ba tinatanggap ang ganito. At dahil nga naranasan ko na. Tingin ko kaya ko na ulit. Dahil alam kong ...