Balik sa dating gawi. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit at paano ako natigil. Nakakabaliw din yon. Ang daming dumaan at nakakapagod ang pinagdaanan. Nagsimula ako noon nang mag-isa at ngayon ay bumalik ding mag-isa. Ganun man, hindi ako naging mag-isa habang dinaranas yon. Ang daming taong dumating at umalis. Hindi ako nagsisisi dahil marami akong natutunan. Parang iba't-ibang mundo ang narating ko noong mga panahong iyon. Nakakatuwa pero ang alam ko, mas nangingibabaw ang lungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwedeng patuloy tuloy ang mga bagay-bagay. May mga natitigil at may mga nawawala nalang bigla. Okay lang naman at hindi nakakapanisi. Nakakalula lang ang lahat at humantong ako sa ganito. Parang bumaliktad ang mundo ko nang paulit-ulit. Umakyat nang mataas sabay bumaba nang napaka baba. Hindi ko alam kung lahat ng tao dumaranas sa ganito at kung paano ba tinatanggap ang ganito. At dahil nga naranasan ko na. Tingin ko kaya ko na ulit. Dahil alam kong nasa ibaba na ako, alam kong aakyat na ulit. Kung dati hinahayaan ko lang akong tangayin ng daloy ng buhay, nalaman ko nang hindi pala ganoon dahil ang sarili mo lang pala ang talaga tutulong sayo. Kahit ilang milyong tao pa ang dumating sa buhay mo, ikaw at ikaw lang ang tutulong bumangon pag tumumba ka. Sa totoo lang napakasakit palang mabuhay. Kung hindi mo kaya ang sarili mo wala kang mararating. Nakakatakot din yung bago ka man makabangon, pinatutumba ka na. Nakakapagod. Ang gulo kasi minsan wala ka namang ginagawang masama, mamasamain ka pa rin. Maraming problema pero ang importante, maraming matututunan. Kung hindi mo natutunan ang leksyon, magiging mahirap lalo bago ka bumalik sa katinuan at malalaman mo ang sagot sa iyong paghihirap. Lumipas na ang mga buwan ng paghihintay. Bumangon ka na muli. Hindi naman sa nagmamadali pero pag kailangan na, kailangan na. Isa-isahin mo ang mga araw. Magtiwala sa sarili at wag intindihin ang sinasabi ng iba. Kaya mo yan. Maniwala ka na.
Comments
Post a Comment